If you have time, visit my website http://forgotten-vodka.tripod.com thanks!
carlos jr!
This is more likely a chatroom. Hehe My contributors react on my blogname, not on my posts! Haha -Carlos

Saturday, September 24, 2005

Lives of other people after grad!

The other day I browsed through the website of our class. Hirap mag-log-in! flooded ng messages yung site. Natuwa naman ako kasi though hirap kami sa “real life” happy pa rin kami. Most of us are taking medicine. Some wana drop the course kasi patayan daw. Some want to pursue medicine after realizing that it’s better to study than to work. Yung iba, pinagbibigyan parents nila dahil gusto magkakaanak ng doctor. Yung iba, yun talaga ang pangarap nila sa buhay. Hay nako ang masasabi ko lang, unang una dapat alam mo yung gusto mo talaga. Wag ipressure ang sarili kasi bata ka pa naman. Pag alam mo na kung anong gusto mo, saka ka gumawa ng paraan para sumaya ka. It’s important that you decide for yourself and be independent para walang sisihan.

Kaya bilib din ako sa mga nag-t-take ng elem units sa klase namin. Di dahil sa pera o sweldo pero gusto talaga mag-teacher.

Most of them are having difficulty in handling relationships. Same pattern, isang gwapong sisira ng buhay ng isang fresh grad na ngayon lang naranasan magmahal dahil inuna ang pag-aaral. Kahit ba hindi ako yung mga nasasaktan na yun, parang kapatid na ang turing ko sa kanila at nasasaktan din ako na sinasaktan sila ng mga walang kwentang lalake na nananamantala lang naman. Gagalawin, iiwan…ngayon si babae, hinahanap na yung ganun at ginagawa kahit kanino na lang, hindi dahil sa love. Hay….

Tol, sana mabasa mo haha

Pare, ang pag-ibig tuso!
Lahat pwede mahulog ng walang katiyakang may sasalo.
Ingat ka lang tol, kasi ang saya sa nadarama mo sa bawat pintig,
Ay hindi laging nangangahulugang tunay na pag-ibig!

Hahaha rhyming pa to a!

Thursday, September 22, 2005

Close Friend

Same old thoughts, this is the first time I’m gona talk about this then ok na ko. It’s about my friend. He is my close friend in college. Ako nagpasok sa kanya sa practicum at talagang super close kami. After we graduate, he didn’t tell me na mag-aaply pala sya sa pinagpracticuman namin. I chose to relx first and have a vacation. Pagbalik ko, hired na sya. He wasn’t telling me but all the other classmates knew about it. He wasn’t even texting me. Busy daw sa work. I thought he would check on me, after all, we were really close. Pero wala. I’ve sent an email to his boss, checking her. Because we were also close back when. Then I also sent one for him. She replied but he never even bothered to return my mail. All my friends said na “walang kwenta yang friend mo. Walang utang na loob. Actually may access na sya sa HR kasi nakapasok na sya dun eh. Pero di ka man lang sinasabihan pag may opening eh samantalang kung hindi sayo, di naman sya mapapasok dun para makapagpracticum. Buwaya sya. Di man lang nangangamusta, hinahatid mo pa sya sa bahay kahit gabi na pag may thesis tapos wala syang utang na loob. Kaw na nga lang nagtyatyaga sa kasamaan ng ugali nya tapos ni di ka nya naalala. Kapal ng mukha nya.”

Sinasabi ko sa friends ko na wag na nila pansinin yung ginagawa nya kasi baka busy lang talaga. Pero di ko matago na konting tampo talaga ko sa kanya…si mama mapaghiganti, ewan ko ba dun, close friend kasi nya yung presidente ng company. I can get hired everytime I want. Ayoko lang kasi basta ayoko dun. Sabi ni ma, if nakakuha na ko ng experience from other company, pag-aaralin nya ko ng masters at magiging boss ako ng friend ko. Sabi ko, hindi na necessary yun. Isang thank you at sorry lang naman hinahantay ko from him then ok na ko…

Tuesday, September 13, 2005

Now

What am I doing? Eto, type ng interview questions hahaha with Thai songs on my background...at may milk tea hehe Nag-eemote pa din dahil walang trabaho..

Saturday, September 10, 2005

She

I’m here again in front of this computer, trying to compose something but nothing enters my mind. What can I say about her? She is very supportive and she knows how to handle my temporary insanity. She is very sweet and understanding. She knows how to make me melt. It’s neither the songs nor the poems. In her own little way she can show me how much she cares. She is always right next to me if I need someone to share my sentiments with. She never attempted to leave me or even thought of doing so. She stood by me amidst our problems. She never demanded and she never complained. She’s concerned about what I’d feel or what I won’t feel. She knows when I need her. I’m secured with her and I know everything will fall into place sooner or later...

Con't

Pumunta kami sa parang mall nila dun na sikat. Sabi ko, gusto ko pa din Thai food so dun kami nag-lunch. Di talaga namin maintindihan yung mga salita kaya tinuro na lang namin yung picture haha yung lunch ko, chicken curry na may olives at bayabas sa saksakan ng anghang tapos side dish yung fish na may sawsawang chili. And appetizer naman, kakaiba pero sobrang anghang pa din. Parang pag kakain ka nun, uusok talaga ilong mo. Sobrang pawis ako at anghang talaga.

Dumaan kami sa grocery tapos namili ng mga Thai products. Tapos bumalik na kami sa hotel para magpahinga. Pagsakay ko ng elevator, may nakasabay kaming mga bading. Nag-uusap sila sa tagalog. Kami ni uncle, usap sa mandarin kaya di halata na naiintindihan namin yung usapan nila. Sabi nung isa, ang yummy nya, gusto ko hawakan yung pwet nya. Sabi nung isa, chinito, sarap dakmain. Haha natatawa lang ako so bago ko bumaba ng elevator, sabi ko sa kanila, “mga pare, una na kami a” hahahaha namutla silang lahat!

Friday, September 09, 2005

Sept. 7, 2005 – Wednesday

We had breakfast sa taas, eat all you can nanaman na international, puro kain na ata ginawa ko hahaha tapos bumaba na kami para mamili ng Bangkok gold naman. Sakit ng paa ko kasi di naman naming maintindihan yung mga sign board kasi Thai lahat ng sulat kaya naglalakad lang kami. Kakaiba dun, di tulad sa HongKong or Singapore, may English na nakasulat sa mga lugar at tindahan. Dun wala talaga, puro Thai writings tapos yung mga tao di marunong mag-English kaya para kaming pipi, tutruan lang ng turuan tapos pag magtatanong ng presyo, pipindutin lang nila sa calcu kung magkano haha

I went to the CD shop to buy a local CD, collection ko kasi in every country I visit, bumibili ako ng CD at nagtatabi ako ng currency nila. To be continued….hehehe

Sept. 6, 2005 – Tuesday

Aga-aga alis na agad, dumating kami sa airport just in time. Hala di ko nanaman maintindihan mga tao! Iba yung mandarin china sa mandarin tagalog haha about 2 hours din yung byahe kaso 1 hour advanced ang shanghai at pilipinas sa Thailand so ganun din, dumating kami dun ng mga 9am.

Tuloy kami sa hotel, tulog ako tapos labas si uncle. Pagbukas ko ng TV, CNN lang naiintindihan ko kasi puro local channel na yung iba. At puro hurricane Katrina ang nandun. Haha masyado na ko updated sa kalamidad na yun. Kakaiba yung ichura ng room naming, pagpasok mo, sala tapos kitchen tapos bedroom. Paglagpas ng bedroom, utility room tapos CR. Naisip ko, nagsasayang ng lugar yung mga taong yun. Kung tutuusin, pwede ng dalang kwarto yun eh, pagkalaki-laki, saying lang yung space hehe tapos ang layo pa ng CR sa kitchen. Sa lahat naman kasi ng hotel na napuntahan ko, local or international, ang CR ang unang nakikitang pinta pagpasok ng pinto. Tapos kitchen at sala tapos bedroom. Kakaiba haha

Bumalik si uncle may dalang chicken, kumain daw ako tapos aalis kami after lunch para sa city tour. Ayun, naglibot kami sa Bangkok, puro temple kasi 98% pala ng tao dun eh Buddhist din. Unang destination naming e yung reclining Buddha. Payat yung Buddha nila chaka nakahiga. Dami nagdadasal chaka nagpipicture na din. May nakasabay kaming parang field trip, high school students ata, pucha ang uniform talaga naman, mini-skirt tapos long sleeves na may neck tie. Parang sa mga anime. Hehe

Dami tourists, parang united nations, iba-iba salita haha Tapos nauhaw ako so lumabas ako para bumili. Nakakita ako ng buko, 20baht daw so mga 28pesos yun pero maliit lang. Iba lasa, sarap parang pinakulo tapos malambot yung laman. Tapos after nun, punta naman kami sa temple na may napakataas sa Buddha, tapos nagpunta na kami dun sa tindahan ng ruby at sapphire. Yun na pala ang uso ngayon hahaha Yung blue daw pampatalino tapos yung yellow pang-business at yung pink pang-inlove. May ganun-ganun pa talaga, lucky charm daw haha

Pagkatapos mamili ni uncle, we went to a cruise. Para daw maganda ang view at masarap ang dinner. Sabi ko kasi kay uncle gusto ko matikman yung Thai food. So the ship sailed around 8pm, nag-dinner, eat all you can, international dish. Yung Thai food, more on luya, sili at lime. Pucha, di pala masaya yung food hahaha Tapos nagsimula na kumanta yung singer. Mukhang pilipino, well lahat naman kasi ng taong nakatira dun mukhang pilipino. Sabi nga nung guide namin, pag daw may tourist na pilipino at Thai na sabay naglakad, di mo madedetermine kung sino dun ang Thai at Pilipino.

True enough, sabi nya Pilipino daw sya pati yung pianista nya. Hehe Nung kumanta na sya, nagsayawan na yung mga tao, pucha nagpuntahan yung mga bumbay sa harapan, taasan ng kamay, pucha putukan talaga, ang babaho. Tapos nanyayakap ng mga babae dun, nanghihipo, nanghahawak ng pwet. Hahaha may dalawang haponesa halos hikitin na nung bumbay pero ayaw talaga kasi nga mabaho. Nagkakagulo na sila. Nakatingin lang ako, lumapit ako tapos sabi ko “is there a problem?”

Kaso di sila makaintindi ng English lahat. Humawak sa arms ko yung isang Japanese tapos tumingin sakin yung Bumbay tapos umalis na. Kinausap ko sila tapos ayun nagging friends ko sila, magbestfriend pala sila tapos they want to relax sa pag-aaral so they went to Bangkok at parehas pa pala kami ng hotel. They invited me to come with them sa 83rd floor ng hotel, sa bar to have a drink or two. Dun ko naappreciate yung hotel kasi sikat pala yung hotel na yun dun. Pinakamataas sa hotel sa buong Thailand at daming nagpupuntang tourist.

They had beer and I had tonic water. Medyo lasing na sila so nag-kaayaan umakyat sa 84th floor, which has a revolving floor. Sali-saliwa na yung lakad nila. Sarap magstay dun, ang hangin, too bad wala akong kayakap hahaha naiwan ko sa Pilipinas…sobrang miss ko na talaga huhuhu

So ayun, hinatid ko sila sa 36th floor sa room nila then umakyat na ko sa room namin. Nakita ko yung tub, so ayun, hang-out muna ko sa bath tub. Nakwento ko na ba? Kakaiba yung CR nila haha pagpasok mo, sa right, shower tapos sa left bath tub. Pinag-hiwalay pa talaga hahaha muntik na ko makatulog sa tub tapos nag-ring yung bathroom phone, sila michira at yesiki pala. Di pa ata solved pero sabi ko antok na ko kaya after ko sa tub, natulog na ko.

Sept. 5, 2005 – Monday

Well, have to get up early because the travel time would be more than 2 hours. Pagpasok ng airport, pucha higpit ng security. Parang may dalang bomba ang mga tao at lagi silang pasasabugin! Haha pati belt pinaalis. Daming security machines, mga apat siguro yun, yung pinagugulong at pinapasok yung bag sa machine para I-x-ray. Tapos kakapkapan pagkatapos. Mas kawawa yung mga babae kasi pinapataktak yung laman ng bag nila. Binubulatlat yung mga kasuloksulukan ng bag nila.

After namin mag-check-in ng bag sa counter, pasok kami sa mabuhay lounge. Member si uncle nun kasi frequent flyer sya. So we got in at ako naman, derecho sa newspaper. May dumating, they were speaking in English at stylish yung lalake. He was wearing a crumpled polo and his hair is colored. He and his wife sat across our table. I went to the washroom. Paglabas ko, nasalubong ko sya, I said “hi” then he said “hello,” tapos namukhaan ko sya, he’s Gary Valenciano, the singer. The counter lady called for the flight boarding going to Bangkok at lumabas na sila. Few minutes later, boarding na rin kami, going to Shanghai.

Sa loob ng eroplano, pagpasok ko, ang lamig, umuusok yung air-con. Tapos nagbigay na ng headsets. Ganda sana ng movie, Longest Yard ata yun, si Adam Sandler kaso di ko mapihit yung channel. Nakakainis, kay Mariah Carey lang lagi napupunta yungchannel, sira ata kainis talaga. Tapos yung malapit na kami bumaba, bigla nalipat yung channel sa movie, too late tapos na at nagpapasalamat na yung China Airlines.

We arrived at uncle’s house around 1pm and after having lunch, we went straight to the gold smith to check on the goods for sale. Around 5pm, we went to the ticketing office to buy tickets to Bangkok because he said, di na masyado mabili ngayon ang gold kasi ang uso na e yung silver, ruby at sapphire, na matatagpuan sa Bangkok. So he let me walk around the city tapos umuwi na sya.

Nakakahilo yung lugar, kahit marunong ako mag-mandarin, di enough para makipag-usap sa kanila kasi ang bilis nila magsalita. Kaya English pa din ang ginagamit ko. One thing I notice, wala akong nakitang mataba dun. Dahil siguro ang bahay nila parang condo na gang 8 floor tapos araw.araw sila panhik baba dun ng walang elevator tapos buhat buhat pa yung bike. Lahat ata dun naka-bike e. hehe

Medyo ginabi ko paglalakad kasi tinikman ko pa yung mga street foods nila. Para ding sa atin, mga inihaw na pusit tapos mami na di ko maintindihan ang lasa. Kahit saan ako dumaan amoy insenso. Kasi major religion nila dun e Buddhism. Nung pabalik na ko sa bahay, may mga babaeng sumabay sa kin paglalakad, iksi ng palda chaka exposed na talaga yung katawan. sabi sakin “you want girl for 100?” tumanggi ako tapos after isang kanto ayan nanaman may isa pang babae, sabi sakin, “just 80” haha nagmadali na ko maglakad pauwi, puro prosti ata yung kalyeng yun! Naisip ko, 100? Ang katumbas sa pilipinas nun 600 pesos lang.

Pag-uwi ko, mga 10pm na nun, sabi ni uncle matulog na ko kasi 8am yung flight so dapat 5am pa lang nasa airport na kami.

Thursday, September 08, 2005

Gary V

You probably won't believe this but Gary V is also in this damn lounge hahahaha kasabay ko sya paalis at kasabay ko nanaman sya sa connecting flight hehe sinusundan ata ako nito a hahaha

Airport

I'am here at the airport, waiting for boarding...its good my uncle have a privilege card, we got to stay in this room with this thing. Dami ko kwento haha I had fun but...hehehe next time na lang